Tuesday, September 21, 2010

Ang hinanakit ng isang tunay na "GUARDIANS" sa kapwa Pilipino!

Bago po ninyo mabasa ng buo ang blog na ito ay nais ko po munang malaman ng aking mga kamag-anak, kaibigan, kakilala, mga Pilipino, at mga may tunay na dugong-Pilipino na nasa ibang bansa, na ako mismo ang sumulat nito, si Jaime(Leandro)Flores Reyes na mas kilala sa samahan ng GUARDIANS na si "Founder Jimrey" at wala akong naging katulong o hiningan ng payo bago isulat itong artikulo o blog na ito!

Gayundin, hinihingi ko ng kaunting pang-unawa kung ito man blog na ito ay makikita ninyo sa inyong mga wall sa facebook, sa inyong mga email add, sa twitter, sa google reader, sa mga blogers, sa inyong mga blog, dahil ipakikiusap ko bilang Chairman ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. sa aming mga miyembro na ito ay ikalat sa lahat ng nagi-internet na Pilipino. Salamat po at sana'y basahin ninyo ng buo ang blog na ito, "GOD Bless" po sa lahat ng babasa!

Ang hinanakit ng isang tunay na "Guardians" sa kapwa Pilipino!


Marahil ay nakakabalita kayo na ang mga "GUARDIANS" ay magugulo, basagulero, mayayabang, matapang lang kung marami, aktibista, mahilig sa coup deta't, at kung ano-ano pang matatawag na hindi tamang gawain na nakakasira sa moralidad ng isang tunay at lehitimong "GUARDIANS"!

Sino ba ang tunay at lehitimong GUARDIANS, ito po yung mga sumumpa sa ating "DIYOS" at sa ating bansa na gagawin nila ng tapat at walang halong pagkukunwari ang ibig sabihin o kahulugan ng "GUARDIANS" at ito po yung mga nakasulat sa ibaba:

Gentlemen and United Associates of the "Pilipino" Race, Dauntless and Ingenious Advocators for Nation and Society!

Napakaganda ng ibig sabihin ano po, lalo na kung sinusunod mo dahil ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay: Mga maginoo at nagkakaisang katuwang ng lahing "Pilipino", magigiting at matatapat na taga-pagturo at taga-pagtangol ng bansa at lipunan!

Sa aking pagiging isang "GUARDIANS", marami akong nakikitang pagbabago sa mga miyembro simula ng umanib ako dito noong taong 2004 sa grupong "United GUARDIANS Party" bago pa ako tumulak papuntang Amerika, sa aking pagbabalik noong taong 2008, dumarami ang nagtatayo ng mga grupo o paksyon o sa madaling salita, naging palasak na ang guardians, at pinagkakaperahan na ng mga nagtatayo ng grupo, nawawala na ang layunin ng "GUARDIANS Brotherhood Incorporated" na pinangu-ngunahan ni "SMF Lapu-Lapu", na kinabibilangan din ni "NF Tony" na tumatayong isa sa ating mga Direktor, na siyang tunay na nag-umpisa nitong "GUARDIANS".Lumalabas na yung mga magugulo at mga basagulero....sa panahong ito...

Pero paano naman kaming tunay na gumagalang at sumumpa para maisakatuparan ang layunin na sundin ang kahulugan ng "GUARDIANS", dapat ba kaming ibilang at ituring na kasama sa magugulong tao at itinatayo ang isang grupo ng guardians basta mapagusapan lang sa tabi-tabi at may tatayong isang mamumuno?

Bakit ba naghihinanakit ang isang tunay na "GUARDIANS" sa kapwa Pilipino?

Sa pagtatayo ko ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay talagang o sadyang hindi ko ginawang "Capital Letters" ang salitang "Guardians" dahil hindi naman kami namimili ng faction sa magiging miyembro, at hindi po ito faction, at kasali dito ang mga sibilyan o walang mga tattoo sa braso, o mga sibilyan may mga pagpapahalaga sa ating kalikasan at bayan!

At alam ba ninyo kung bakit ko ito ginawa at patuloy ko pang gagawin, dahil ito po ay igagaya ko sa GuardiansUK na isang samahan o organisayon sa United Kingdom, ipa-patern natin sa grupong ito, wala naman mga tattoo ang mga namamahala dito, hindi ho ba?

At bakit po ba ako naghihinanakit sa kapwa ko "Pilipino"? Ito po ay dahil sa paglalagay ko ng "Guardians" sa ating "Foundation" ay ipinagkakamali kami sa magugulong tao at nawawalan ng tiwala sa amin ang mga kapwa namin Pilipino, at subok na subok ko na ito, sa mga pakikipagusap namin sa mga namumuno ng mga siyudad, sa mga ahensiya ng gobyerno, sa mga matitinong tao, sa mga organisasyon, sa mga club, sa mga assosasyon, pati na mga kamag-anak ko, kaibigan, kakilala, lahat yata sila nawalan ng tiwala sa kakayahan ko, sa amin ng mga Direktor ng Foundation, dahil lang sa pagkakabit ko ng salitang "Guardians" sa aming "Foundation", samantalang kumpleto naman kami ng lesensiya sa lahat ng sangay ng gobyerno na kailangan sa pagtatayo ng isang "Foundation" at kabilang na isang ahensiya ng "Department of Social Welfare and Development".....

Ito lang po ang aking paliwanag sa pagkakabit ko ng salitang "Guardians", una na pangagaya sa GuardiansUK, at pangalawa,alam kong maraming matitinong "GUARDIANS"
kumpara sa magugulo, wala pa itong 5% sa milyong gumagamit ng "GUARDIANS", isolated lang sila, ika nga, na palasak na salita (Isolated)ngayon sa Pilipinas!

Sa paglapit naming muli at paghingi ng tulong sa mga ahensiya ng gobyerno, sa mga munisipyo, sa mga siyudad, sa mga kumpanya (Ngayon lang ito gagawin)sa panahon ng pagbabago ng ating mga namumuno ng bansa ay huwag po sana kaming ipagkamali na ginagawa namin ito para sa pansariling interes, kundi para sa inyo din na ayaw naming napapahamak dahil kayo ay nabibilang din sa likas na nilalang na ginawa ng ating "Panginoong Diyos", at bilang mga makakalikasan, kailangan din namin na kayo ay protektahan, turuan, at tulungan....sa inyong kalusugan, sa inyong kahirapan, at sa panga-ngalaga ng inyong kapaligiran...

Marami pong salamat sa nagbasa at kung kayo ay may konti pang paniniwala sa kakayahan namin ay mangyari pong i-share na din po ito sa inyong mga kaibigan!

At kung gusto makita ang gusto kong gayahin, klik lang po ang link: http://www.guardiansuk.com/, kung hindi mabasa ang link ay i-type na lang po sa inyong internet browsers!

At para sa mga karagdagang impormasyon ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. ay mag-klik lang po sa mga link sa gawing kanan sa itaas!

Mag-iimbita na din kami ng mga bagong miyembro sa internet, pakisubay-bayan na lang po ang aming mga blog!

GOD Bless po sa lahat,

Jaime Leandro F. Reyes
Chairman & CEO - GSGWFI

No comments:

Post a Comment